Precious Pages The Witchy Writer's Romance (New Edition) By C.D. de Guzman (FrustratedGirlWriter) “Por que ba ‘boss’ mo `ko, ibig sabihin hindi na `ko lalaki? Lalaking nahuhumaling sa kagandahan ng .. Product #: PHR06308 based on 0 reviews Regular price: $59.00 $59.00 In Stock

The Witchy Writer's Romance (New Edition) By C.D. de Guzman (FrustratedGirlWriter)

Brand: Precious Pages
Availability: In Stock

Price: PHP59.00

- +

“Por que ba ‘boss’ mo `ko, ibig sabihin hindi na `ko lalaki? Lalaking nahuhumaling sa kagandahan ng isang babaeng tulad mo?”

Isa lang ang hiling ni Venice: iyon ay ang hindi na muli pang masira ang kanyang mga pinakamamahal na nobela. Every story she wrote, came from her heart. Kaya nga napakasakit para sa kanya ang ginawa ng dating publisher sa mga nobelang isinulat niya.
When she decided to work for another publishing company—Paper Roses Publishing House—she built a not-so-nice attitude at work. Sakit siya sa ulo ng lahat. Kahit pa sa mabait at napakaguwapong owner at publisher na si Jan Kyle Uno. Pero kahit madalas siyang magmaldita at magsungit kay Kyle, ang puso naman niya ay nadadala sa mga pamatay na ngiti at cute na dimples nito.
Maayos na sana si Venice sa Paper Roses, kung hindi lang niya nabalitaan na gagawing pelikula ang isa niyang nobela ng isang movie producer na matagal nang ka-tie up ng kompanya. That’s a big no for her! Hinding-hindi siya papayag na mababoy ang kanyang nobela! Ang mas ikinagagalit niya ay wala siyang magagawa para pigilan iyon.
Dahil doon, naisip ni Venice na hindi na talaga niya kayang magtiwala pa sa kahit ano pang publishing companies. So, she decided to just leave Paper Roses. Mawawalan pa ng sakit ng ulo ang boss at mga empleyado roon.
Ngunit, subalit, datapwat… pinigilan siya ni Kyle. Nagtapat pa itong matagal nang may gusto sa kanya! Manliligaw rin ang lalaki para mapatunayan daw ang feelings sa kanya!
Now, why would a handsome publisher like Kyle court a witchy writer like Venice?

There are no reviews for this product.
Write a review
BadExcellent
Facebook comment